Pagkain ni Juan
Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging malikhain pagdating sa pagpinta, pagkanta, at sa paggawa ng mga ibat-ibang putahi. Isa sa mga pagkaing kinagigiliwan ng aking panlasa ay any ADOBONG BABOY. Ito rin ay kinikilalang pambansang pagkain na patok na patok sa mga panlasang Pinoy, at hindi lang sa mga Pilipino patok ito, pati na rin sa mga dayuhang bumibisita sa bansang Pilipinas.
Kung ikaw ay nais magluto upang matuto. Kinakailangan mo ang mga pamamaraang alam ko.
1. Bumili ka ng mangingilang kilo ng karning baboy na swak na swak sa pakakainin mo.
2. Pagkatapos at pakuluan mo sa tubig na may pangpaalat(asin). Pero kung gugustuhin mong hindi nalang pakuluan ay maari rin. Kinakailangan mo lang ibabad ang karning baboy sa tuyo, bawang, suka at kalamansi.
3. Mag init ng mantika sa isang kawali o "sauce pan ".
4. Kapag hindi na tumutunog ang mantika, ito'y nag iibig sabihin na mainit na ito at maari ng maglagay ng karne.
5. Dahan-dahang ilagay na ang karneng baboy sa mainit na mantika. Tapos takpan upang hindi ka matalsikan.
6. Kung nakita mong kumukulay na siya ng ginto ay maari munang ibaliktad upang ang kabila nama'y maluluto.
7. Pagnaluluto na lahat ay pwede munang ilagay sa isang plato at pagandahin.
Ayan! na maari munang ipatikim sa mga kaibigan, kapamilya ang gawa mong adobo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento