Pang isahan, pang dalawahan, pang maramihan
( kawasan falls ng Badian Cebu)
Saan kana ba nakapunta? Komportable ba ikaw sa iyong swimming? Sariwa ba ang hangin? Kung hindi, may alam ako na makakasagot sa iyong gusto na makaligo sa merong sariwang hangin, komportable sa laki ng lugar at napakalinis. Itoy dinarayo ng maraming mga tao lalong – lalo na sa mga turista sa ibat ibang paning ng bansa, akoy nakapunta at nakaligo kasama ang buong kapamilya ko sa DON BOSCO BOYS HOME
Kami po ay may capcity of 120 young boys plus pa po sa mga kapari-an at sa mga brother at sa aming mga social worker na nagging bahagi nang aming pamilya, at napaka komportable po kaming kumilos, nakapaglaro pa po kami kahit maraming mga dumarayo doon kasi sa sobrang laki ng lugar hindi ikaw maguguluhan.
Sa Badian Cebu, mayroon itong tatlong napakalaking mga falls na kung saan dinarayo ng mga turista sa ibat-ibang paning ng bansa. Ang unang kawasan falls o kawasan falls no. 1 ay matatagpuan sa bukid na kung saan maraming mga kahoy at ang mga ibon ay nag aawitan ikaw ay makakasayaw sa tinig ng kalikasan at sa ibon. Ito ay ang nakapakalalim sa tatlo dahil ito poy nasa baba lamang ng bukid, kulay asul ang tubig, sobrang lamig parang na sa freezer. Kung ikaw ay gustong lumangoy dapat may life jacket para kaligtasan ay masiguro.
Iyan ang kawasan falls no. 1, sa itaas po ay makikita natin ang kawasan falls no. 2 o ang pangalawang kawasan falls. Aakyatin pataas para Makita at masilip ito, itoy malalim din katulad ng unang kawasan pero okay na pang bata at pang matanda pero advice dapat paring nakasuot ng life jacket sa hindi pa marunong masyadong lumangoy.
Ito ang larawan ng kawasan no. 2 ng Badian Cebu. gaya ng sabi ko may tatlong napakalaking falls, aakyatin parin ang pangatlo para Makita at masilip, ito po ay ligtas sa lahat ng lumalangoy dahil napakababaw pero iingat parin sa mga bata lalong-lalo sa hindi marunong lumangoy.
Sa lahat nang bumabasa ng blog na ito wag na kayong magpahuli, mag impaki at dalhin ang buong pamilya o buong barangay lumangoy sa kawasan falls ng Badian Cebu. Wag ng magpahuli baka kayong di makatikim sa lamig at kulay asul na tubig na hindi nyo pa naranasan. Ang kawasan fall ng badian ay sikat sa ligoan ng mga tao, hindi lang falls ang iyong makikita kundi marami pa kapag ikaw ay nakapunta. Maraming magagandang tanawin.
Para makapunta tingnan lang ang mapa na ito para di maligaw sa lamig at asul na tubig ng badian ang kawasan falls.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento